Bato: ICC investigators sa Pinas nananakot para tumestigo

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Sen. Ronald dela Rosa ang aniya’y pamimilit ng mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) sa mga retired police officers para tumestigo laban sa kanya at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay dela Rosa, ang ICC ay may ongoing mission sa isang hotel sa Pasay City para mangalap ng affidavits ng mga kasong crime against humanity sa The Hague, Netherlands.
“Magka-conduct kami ng hearing at ‘yung mga tao na involved diyan, ‘yung mga Pilipino na mga taksil sa ating soberanya ay mananagot ‘yan,” ayon pa sa senador.
Hinikayat din ni dela Rosa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palayasin ang sinasabing mga imbestigador ng ICC para mapatunayan ang sinseridad na alok nitong political reconciliation.
Ang mga ICC investigator aniya ay nananakot sa mga retiradong pulis at pinipilit na pumirma ng affidavit na magdidiin sa Senador at sa dating Pangulo.
“Tinatakot ‘yung mga pulis natin…Kawawa nga ang mga pulis eh,” ayon pa kay dela Rosa na dati rin hepe ng PNP.
- Latest