Multicab hulog sa bangin: 25 sugatan
MANILA, Philippines - Dalawampu’t lima-katao ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang pampasaherong multicab sa Barangay Poblacion, District No. 1, bayan ng Mobo, Masbate noong Miyerkules ng gabi.
Kabilang sa mga nasugatan ay sina Lovejean Espinella, 7; Alma Galvan, 23; Jocelyn Galvan, 38; Melanie Espenilla, 24; Noe Francisco, 38, Philippine Army; Abraham Buenavista, 20; Cecilia Senadjan, Edwin Mondelo, 27; Annabel Asucro, 48; Zelda Bolante, 50; Chezzy Rose Bolante, 11 buwang gulang na sanggol; Nora Ynales, 50; Joan de Mesa, 27; Gilbert Bandije, 20; Analyn Asucro, 48; Enriquita Samson, 55; at iba pa.
Lumilitaw sa imbestigasyon na overloaded ang multicab na may plakang EVG-590 na minamaneho ni Rosendo Balatucan na patungong bayan ng Uson mula sa Masbate City nang biglang huminto ang makina habang paakyat ito sa matarik na bahagi ng highway.
Bunga nito, tuluy-tuloy na bumulusok sa bangin ang multicab kung saan aabot sa 25-katao ang sugatang naisugod sa Masbate Provincial Hospital at Mobo Municipal Health Office.
Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng sasakyan at nahaharap sa kasong kriminal.
- Latest