PNoy biyaheng Indonesia
MANILA, Philippines - Umalis kahapon si Pangulong Aquino para dumalo sa 2 araw na Bali Democracy Forum sa Bali, Indonesia.
Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma, mismong si Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono ang nag-imbita kay PNoy upang makiisa sa iba pang lider sa Asia-Pacific region para sa 7th Bali Democracy Forum ngayong Oct 10-11.
Pinaglaanan ng P7.1 milyon ang pagbisita ni PNoy sa Indonesia.
Bahagi rin ng pagdalo ng Pangulo sa forum ang pagtanggap ng “Bintang Republik Indonesia Adipurna” na pinakamataas na medalya ng karangalan sa Indonesia.
Bago umalis, nagbilin si Aquino partikular hinggil sa nakaambang pagputok ng Bulkang Mayon.
- Latest