^

PSN Palaro

Green Archers, Tamaraws pag-aagawan ang no. 2: Bulldogs nilapa ang Warriors para angkinin ang no. 4 seat

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena)

4 p.m. La Salle vs FEU

(playoff sa No. 2)

 

MANILA, Philippines - Pinigilan ng Bulldogs ang malakas na pagbabalik ng Red Warriors sa final can­to para sagpangin ang No. 4 berth sa Final Four.

Nagsalpak si import Al­fred Aroga ng dalawang krusyal na free throws sa huling 12 segundo para tu­lungan ang National Uni­ver­sity sa 51-49 paglusot sa University of the East sa kanilang playoff game sa 77th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Colise­um.

Sa pag-angkin sa No. 4 ticket ay lalabanan ng NU ang No. 1 Ateneo De Ma­nila University sa Final Four sa Miyerkules.

Ang No. 1 at No. 2 teams ang hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa No. 4 at No. 3 squads, ayon sa pagkakasunod, sa semifinal round.

Nakatakdang pag-agawan ng nagdedepensang De La Salle University at Far Eastern University ang No. 2 spot sa kanilang play­off game ngayong alas-4 ng hapon.

Matapos isalpak ng 6-foot-7 na si Aroga ang kan­yang dalawang free throws para sa 51-49 abante ng Bulldogs mula sa foul ni Sierra Leona im­port Charles Mammie ay tumawag ng timeout si coach Derrick Pumaren pa­ra sa Red Warriors.

Pinasahan ni playma­ker Roi Sumang si Bong Galanza ngunit naimintis nito ang kanyang tangkang three-point shot na tumapos sa kanilang five-game winning streak at pag-asa sa No. 4 seat.

Ito ang pangatlong sunod na season na nakapa­sok ang NU sa Final Four sa ilalim ni mentor Eric Al­tamirano.

“For Alfred to make those two free throws, that was big for us,” sabi ni Al­­tamirano kay Aroga.

Nauna nang binuksan ng Red Warriors ang laro mula sa 9-0 abante bago naagaw ng Bulldogs ang first period, 15-14 patungo sa pagpoposte ng isang nine-point lead, 40-31, sa 8:57 ng fourth quarter buhat sa dalawang charities ni guard Angelo Alolino.

Nagbida si Su­mang pa­ra ilapit ang UE sa 48-49 agwat sa huling 1:16 mi­­nuto ng laro hanggang mag­­salpak si Aroga ng da­­lawang free throws sa na­­titirang 12 segundo para sa panalo ng NU.

NU 51 – Khobuntin 12, Rosario 9, Alolino 7, Aroga 7, Javelona 6, Be­tayene 4, Alejandro 3, Perez 2, Diputado 1, Cel­da 0, Neypes 0.

UE 49 – Sumang 19, Ga­lanza 9, Mammie 8, Ja­vier 5, Varilla 5, Arafat 2, Guiang 1, Alberto 0, de Leon 0, Jumao-as 0, Ola­yon 0, Palma 0.

Quarterscores: 15-14; 26-21; 38-31; 51-49.

ANG NO

ANGELO ALOLINO

AROGA

ATENEO DE MA

BONG GALANZA

CHARLES MAMMIE

FINAL FOUR

RED WARRIORS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with