^

PSN Showbiz

Kaya hindi na nakaulit sa network: Sikat na aktres masyadong gahaman sa pera, nagpapabayad muna bago mag-taping

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May mga nakakalungkot at nakakatawang kuwento ang ilang staff na matagal na nakatrabaho nu’n ng isang pamosong aktres sa isang malaking network.

Teleserye ang paksa, pinakabida ang sikat na aktres kasama ang ilang kabataang artista ng network, migraine pala ang inabot sa kanya nu’n ng produksiyon.

Kuwento ng isang source, “Bago siya mag-report sa taping, kailangan munang ideposito sa ATM niya ang talent fee niya for the day. Habang wala pa ang TF niya, huwag mo siyang aasahang dumating.

“Kapag tumawag na sa kanya ang field cashier para sabihing nakadeposito na ang TF niya, saka pa lang siya magre-ready, matagal pa ‘yun, kaya late na siyang dumarating sa set.

“Palaging ganu’n, kaliwaan ang laban, deposito muna bago trabaho,” pag-alala ng isang impormanteng nakatrabaho ng aktres sa kanilang istasyon.

Ang usapan, kapag lumampas sa cut-off time ng aktres ang oras, mahaba o maigsing eksena man ang kanyang gawin ay meron siyang karagdagang talent fee na pangkalahating araw.

“Pero bago siya pumayag na mag-extend ng oras, kailangan munang cash siyang bayaran. Kaliwaan talaga, no check, no promises, kailangang cash siyang bayaran bago siya magtrabaho uli.

“E, minsan, nagtalo sila ng isang staff. Uminom kasi siya habang nagtatrabaho, kaya bumagal ang galaw niya, matagal bago siya mapalabas sa dressing room niya.

“Hindi niya magawa ang eksena nang minsanan lang, paulit-ulit, kaya umabot ‘yun sa cut-off time niya. kailangang makunan ang dalawa pang eksena niya dahil shoot to edit sila, wala silang pondo, kailangan nilang ipalabas ang ginagawa nilang mga eksena kinagabihan.

“Nakiusap ang production head na baka naman puwedeng huwag na siyang magpadagdag ng TF, kasi nga, ang kalasingan niya naman ang dahilan ng pagka-delay ng taping.

“Hindi pumayag si ____(pangalan ng pamosong aktres), usapan daw ‘yun na hindi puwedeng masira, money down muna bago niya gawin ang dalawang maiigsi lang naman niyang eksena.

“Indulto ang inabot ng production sa kanya, kaya makiusap man siya ngayon sa network, tapos na siya. Never again, sabi ng mga production people, kaya wala na siyang babalikan sa station na ‘yun,” pagsasarado sa kuwento ng aming impormante.

MVP walang planong mag-pulitika, mas gustong tumulong lang sa mga nangangailangan

Sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyo at hanging habagat ay ipinakalat ni Mr. Manny V. Pangilinan ang rescue team ng lahat ng kanyang mga kumpanya sa iba’t ibang lugar na binaha.

Magkatuwang sa pagkilos-pagtulong ang TV5 at ang Rescue5 sa pamumuno ni Paolo Bediones. May mga lugar namang pinuntahan agad ang Alagang-Kapatid sa pamamahala ni Menchie Silvestre. Kinansela ang ibang daily shows ng network para ituon ang panahon sa pagbabalita ng buong News Team tungkol sa mga nagaganap na pagbaha sa mga lugar na pinakaapektado.

Biyernes nang umaga pa lang ay naging abala na si MVP, siya mismo ang nagmo-monitor sa mga sinasalanta ng bagyo, inatasan niya ang PLDT, TV5, First Pacific, Maynilad, SMART, Meralco, Philex Mining, Digitel (Sun Cellular), Piltel (Talk ‘N Text), Metro Pacific Tollways (NLEX Rescue Team), Cignal Digital TV at iba pang kompanya ng MVP Group of Companies kasama ang Asian Hospital and Medical Center, Cardinal Santos Medical Center, Makati Medical Center at Our Lady of Lourdes Hospital na magpadala ng kanilang mga tauhan para masagip sa tiyak na indulto ang ating mga nahihirapang kababayan.

Komento ng mga tinutulungan ni MVP, sana raw, lahat ng mga pulitiko ay kumilos na tulad niya. Maagap, walang pinipiling tutulungan, may matinding malasakit sa kanyang mga kababayan. Tuloy ay maraming nagtatanong, papasukin na rin ba niya ang mundo ng pulitika, totoo bang tatanggapin niya ang alok para makatuwang ni Vice-President Jejomar Binay sa pagtakbo sa 2016?

Madaling abutin ang matagumpay na negosyante, nakakausap-nakaka-text namin siya anumang oras sa kabila ng kanyang pagkaabala, tahasan niyang sinasabi na malayo sa likaw ng kanyang bituka ang pamumulitika.

“Businessman lang ako, ito ang linya ko, kapos pa nga kung tutuusin ang oras ko sa aking mga negosyo. Masarap lang talagang makatulong, iba ang pakiramdam, dito lang ako sa balwarte ko at ipaubaya na natin ang pulitika sa mga mas may alam,” diretsong paglilinaw ni MVP.

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

CARDINAL SANTOS MEDICAL CENTER

CIGNAL DIGITAL

FIRST PACIFIC

GROUP OF COMPANIES

LANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with