Gilas sadyang iniba ang istilo sa world meet
SEVILLE, Spain - Walang dudang nag-iwan ng magandang impresyon ang Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup kung saan nila pinatunayang nararapat silang makasali at kaya ring manalo.
Nabigo silang makapasok sa knockout stage sa Madrid at Barcelona subalit tinagurian namang “a hell of a team.”
Hindi nakasali sa nasabing quadrennial global cagefest sa loob ng 36 taon, nagbalik ang koponan sa eksena bilang isang misteryosong grupo at nakipaglaban sa ilan sa mga pinaka-malalakas na koponan sa buong mundo.
Ang resulta nito ay ang muntik nang paggitla sa Croatia, Argentina at Puerto Rico, ang matibay na paninindigan kontra sa Greece at ang dramatikong panalo laban sa Senegal.
“Every coach has told us directly we’re the most difficult team to scout. Their exact term is that ‘we’re hell to scout,” sabi ni head coach Chot Reyes. “They don’t have an idea because we don’t call a play.
Tama ang naisip ni Reyes ang tanging paraan para makasabay sa mga malalakas na grupo ay ang maglaro ng naiiba.
“That’s why we play the way we play. It’s not scientific, ‘de numero’ and precise as the other teams. But as you can see, it’s effective,” ani Reyes.
- Latest