Mayweather umiskor ng panalo kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Tinalo ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao at iba ang pang fighters bilang Best Fighter para sa pangatlong sunod na taon sa 22nd ESPY Awards noong Huwebes.
Dinaig ni Mayweather, ang best pound-for-pound boxer, sina Pacquiao at Andre Ward pati na sina UFC stars John Jones at Rona Rousey para sa nasabing parangal.
Ito ang ikaanim na pagkakataon na nakuha ng Las Vegas-based boxer ang award matapos noong 2007, 2008, 2010, 2012 at 2013.
“Mayweather cruised to a majority decision over Saul Alvarez to unify the light middleweight titles. He improved to a record of 46-0 with a decisive win over Marcos Maidana,” sabi ng ESPN.
Sasagupain ng undefeated fighter, ang top-paid athlete ayon sa Forbes, si Maidana sa isang rematch sa Setyembre.
Ang ESPY Awards ay isinasagawa bawat taon para bigyan ng pagkilala ang mga best athletic performances sa loob ng isang taon.
Ang mga fans, sportswriters, broadcasters, sports executives at sports personalities ang pumipili ng mga nominees at ang mga mananalo ay madedetermina via online fan voting.
- Latest