Albert Martinez ready sanang maging tatay ni Bea
At his age, 53 years old na siya, handa na si Albert Martinez na tumanggap ng roles na ayon sa kanyang edad. Karamihan sa karakter na madalas ay ginagampanan niya ay ang pagiging ama sa bida o kaya ay asawa ng ina ng bida.
Nang una niyang malaman na gagawa siya ng isang serye kasama sina Bea Alonzo at Paulo AveÂlino ay inihanda na niya ang kanyang sarili sa pagganap ng role bilang ama ng isa sa dalawang character. Hindi na siya nagpatina ng buhok. Pero makaraan ang ilang buwan lamang, nang muli nilang pag-usapan ang proyekto ay sinabi na sa kanya ang karakter na gagampanan niya. Hindi pala father role kundi leaÂding man ni Bea.
“Siyempre, nagulat ako. Lahat ng paghahanda na ginawa ko ay nawalang parang bula. Kailangang magsimula akong muli. Mahirap dahil nga ang mind set ko ay andun na sa pagiging tatay niya. Tapos I had to unload lahat nang ginawa kong preparasyon. Nag-usap-usap kaming muli,†kuwento ng magaling na aktor na hanggang sa edad niya ngayon ay kayang pakainin ng alikabok ang maraming pumapel na bida, hindi lamang sa pagganap kundi maging sa itsura.
“Tapos sa unang paghaharap namin ay love scene agad ang gagawin namin, eh wala kaming familiarity workshop ni Bea. Bigla nabobo ako. But madali kaming nakapag-adjust. Konting usap-usap lang, nag-gel na kami agad. ‘Yung romantic love scene namin between a husband and wife making up ay lumabas nang maÂganda,†dagdag pa ni Albert na umaming wala siyang sikreto sa pagmumukhang bata. In moderation lamang daw sa lahat niyang ginaÂgawa at inilalagay sa tiyan. “And I love my work. Hindi ito trabaho sa akin. Nasa sistema ko na ito at suporÂtado ako ng pamilya ko,†anang aktor na sunud-sunod ang proyekto pero wala siyang reklamo at lalong hindi siya napapagod. “Mas pagod ako kung wala akong ginagawa,†saÂbi niya,
Ginagampanan niya sa Sana BuÂkas pa ang Kahapon ang role ng isang president at CEO ng isang maÂlaking kumpanya. Asawa siya ng isa sa mga role na ginagampanan ni Bea.
Reyna ng takilya, bilib noon pa kay Bea
Never naman sineseryoso ni Susan Roces ang titulo niyang Queen of Philippine Movies. Feeling niya ay tinatawag lamang siyang ganito out of resÂpect to her. “Hindi naman nila ako puwedeng tawaging ‘princess,†pagbibiro niya.
Sinasabing bago ang karakter na ginagampanan niya sa bagong serye ng Dreamscape para sa ABS-CBN. “Hindi ako masyadong mabait at hindi rin kasamaan. Akala ko ay tama lamang ang ginagawa ko, pero hindi pala. Pagsisisihan ko ito makaraang ma-realize ko ang pagkakamali ko,†imporma ng beteranang artista na umaming fan siya ni Bea.
“Sinubaybayan ko ang career niya. Hindi lang siya maganda, napakahusay pa niyang artista. KaÂraÂpat-dapat siya sa taguring, this generation’s movie queen.
“Sa unang pagkikita pa lamang namin sa set ng John and Shirley ay nakita ko na ang malaking potensyal niya. Pero ‘yung ganda niya hindi nahuhuli ng mga camera. Sa pagdaraan ng panahon, nakita ko ang growth niya literally and professionally. Hindi ako isang kritiko kaya wala akong karapatang i-judge kung magaling siya o hindi, pero bilang tagahanga niya, humahanga ako sa kanyang choice of projects,†anang reyna na nagsabing wala siyang karapatang isalin ang sinasabi nilang korona niya.
Bea hindi kayang maging mabuting ina
Dalawa at magiging tatlo pa ang karakter na gagampanan ni Bea Alonzo sa Sana Bukas pa... Siya si Emmanuelle, isang mahusay na abogado pero hirap maging mabuting ina sa kanyang anak. Siya rin si Rose, isang babaeng walang tiwala sa kanyang sarili dahil sa kanyang itsura. Magkukrus ang landas ng dalawang babaeng ito sa kanilang paghahanap ng katotohanan.
Ito ay sa direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.
- Latest