^

PSN Opinyon

Trapik sa loob ng NAIA 2

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

NOONG Biyernes ng umaga, sumakay ako sa first flight ng Cebu Pacific patungong Butuan City. Dahil 7:40 a.m. ang departure time, umalis ako sa aking bahay sa Las Piñas ng 5:30 a.m. patungong NAIA 2. Dahil walang gaanong trapik, dumating ako sa airport pagkaraan ng kalahating oras.

Nagsimula akong pumila sa harap ng departure counter ng 6:05 a.m. pero hindi ko inakala na aabutin ako ng 45 minutes sa pagpila bago mabigyan ng boarding pass. Mas mahaba pa ang oras na ginugol ko sa pila kaysa biyahe ko mula Las Piñas hanggang NAIA 2. Papaano, nag-iisa lamang ang tauhan ng Cebu Pacific na nasa counter at nag-aasikaso sa haba ng pila ng mga patungong Butuan, samantalang ang ibang counter ay wala namang pumipila.

Dahil “media” ako (as in may diabetes) na inabot na ng gutom at pagkahilo sa kapipila, nakiusap ako sa sekyu ng Lanting Security Agency na kung puwede ay sabihin niya sa supervisor ng Cebu Pacific ang kabagalan ng usad  ng pila, ngunit tinanggihan niya ako dahil hindi raw siya puwedeng umalis sa kanyang kinaroroonan.

Nag-take off ang eroplano eksakto 7:40 a.m. Ang biyahe ay inabot lamang ng isang oras at kalahati dahil dumating kami sa Butuan City ng 9:10 a.m. Ang layo ng NAIA 2 sa Butuan ay 1,131 kilometers ngunit isang oras at kalahati lamang ang tinagal ng biyahe. Wala pang 30 metro ang pila sa NAIA 2 ngunit halos isang oras ko itong biniyahe.

Sana naman ‘’yung naturingang general manager ng NAIA ay lumabas naman sa kanyang yungib at magsagawa ng ocular inspections ng serbisyo ng airlines para sa kapakanan ng mga biyahero. Balita ko, walang kamuwang-muwang ang GM sa pagma-manage ng airport. Malakas lang talaga kay P-Noy.

 

AKO

BIYERNES

BUTUAN

BUTUAN CITY

CEBU PACIFIC

DAHIL

LANTING SECURITY AGENCY

LAS PI

MALAKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with