^

Metro

Sekyu utas sa 4 holdaper

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang security guard ang patay makaraang pagbabarilin ng apat na holdaper nang tangkain ng una na harangin ang mga huli matapos holdapin ang isang sangay ng LBC sa  lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay PO3 Alvin Quisumbing, ang pamamaslang kay Rhom Dela Cruz, 34, ay nangyari sa panulukan ng Arayat at P. Bernardino St., Brgy. San Martin De Porres, Cubao, ganap na alas 8:51 ng umaga.

Nabatid na  pinasok umano ng apat na suspek ang sa­ngay ng LBC sa katabing hotel na binabantayan ng biktima.Nasaksihan umano ito ni Dela Cruz kung kaya rumesponde ito at tinangka harangin ang mga holdaper pero pinaulanan umano siya ng bala ng mga huli na agad niyang ikinamatay.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insi­dente.

 

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

ARAYAT

AYON

BERNARDINO ST.

BRGY

CUBAO

DELA CRUZ

RHOM DELA CRUZ

SAN MARTIN DE PORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with