^

Pang Movies

Singer tinatamaan ng tililing paminsan-minsan

MASA...RAP - Ernie Pecho - The Philippine Star

Muntik nang masiraan ng bait ang isang singer na biglang sumikat. Kahit kasi crystal coat ang kalidad ng kanyang boses, isa siyang “plain jane”, na kung si Mama Monchang ang manlalait – “walang karapatang maging artista.”

Halos maloka ang mang-aawit kapag pinagka­kaguluhan siya at dinudumog sa mga lugar na pinagtatanghalan niya sa buong bansa. Ang kanyang mga singles (that time kasi nagri-release pa ang mga record companies ng single) at albums ay multi-platinum. Sa royalty lang ng mga plaka, milyones ang kita niya. Naagapan naman ang kanyang kondisyon at ginamot ng isang expert psychiatrist. Kaya lang ang say ng kanyang mga close friends, dinadalaw pa rin ang singer ng kalokahan, paminsan-minsan!

 

Dingdong invited sa kasal ni Karylle?

Simpleng dinner or night out lang ang plano Dingdong Dantes with Marian Rivera sa Feb. 14. Kaya lang hindi pa nila alam kung saan ang kanilang punta.

“Last minute kasi palagi kung mag-decide kami,” paliwanag ni Dong. Kaya hindi natin sila puwedeng abangan, dahil lihim pa ang kanilang venue.

Ang dating girlfriend ng aktor na si Karylle, nag-announce na ng kanilang kasal with her steady boyfriend, Yael Yuzon, next month. Saka na natin malalaman ang mga detalye, kapag final na ang lahat ng kanilang plano.

Puwede naman dumalo si Dingdong, kung kukumbidahin siya.

Ang aktor ay makakatabal si Maricel Soriano sa bago     niyang primetime soap, which will start taping this March.

 

Aljur, joyride kasama si Kylie ang trip sa Valentine’s Day

“Two for the Road” ang tipong drama ni Aljur Abrenica with Kylie Padilla in Valentine’s Day. Sila lang dalawa (walang excess baggage), will embark on a joyride, hanggang kung saan-saan sila makarating.

This way they will discover more endearing qualities in each other. The pair can also take plea­sure as they encounter many things for the first time.

How about sipping tea and whispering sweet nothings on a street side café? After all, Valentine is the only day in the whole year that everyone is licensed to do the corniest things, so indulge.

The lovers can also savor exotic food in quaint karinderias in remote places. Hindi ito araw para mag-diet.

On second thought natatakot ang mga fans and those close to them on such amorous adventure. Si Aljur kasi nagkaroon na ng car accident. Baka naman malagay pa ang buhay nila sa panganib. Such morbid thought but they don’t deserve to have a bloody Valentine!

Para matigil ang pangamba, mabuti na lang na mag-dinner sila sa isang cozy and classy restaurant nearby. Puwede rin manood na lang kayo ng home movies ng buong araw.

 

Kung anik-anik lang ang pinamili Heart nagpigil sa pagsa-shopping sa Hong Kong

Noong magbiyahe ng Hong Kong sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escuedero, the usual things lang na pinamimili ng mga ordinaryong turista ang nabili ng aktres. Iniwasan niya ang mga luxury items na dapat bibilhin ng katulad niyang celebrity.

Kung may luxury things siyang kukunin, puwedeng mga signature shoes, na maaari naman niyang isuot sa taping, shooting at mga special showbiz events.

 

Album ni Daniel nasa Top 10 OPM bestsellers, fans nagising na naman

Mukhang nagising ang mga fans ni Daniel Padilla at nag-No. 1 ang Got To Believe album sa overall charts. Isa ang teen idol sa mga featured artists sa hit CD, kaya todo rin ang suporta rito ng kanyang mga tagahanga.

Ang bagong CD ni Noel Cabangon, Acoustic CD, ang nasa ikalawang puwesto ng top hit list. Ang Daniel Padilla (DJP 2nd Album) ang nasa No. 6 sa OPM bestsellers.

Pumasok uli sa Top Ten ng OPM ang Higher LP ni Angeline Quinto.

vuukle comment

CENTER

HONG KONG

KAYA

LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with