^

Pang Movies

Mika, gustong isalba si Mikee

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mika, gustong isalba si Mikee
Mika Salamanca

Ipinakita ni Mika Salamanca ang kanyang pagiging tunay na kaibigan kay Mikee Quintos na kabilang sa mga nominated housemates sa unang eviction ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 3.0.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, inanunsyo ni Mika na maglalabas siya ng isang special vlog kasama si Mikee sa YouTube, at ang lahat ng kikitain mula rito ay ilalaan niya sa “BBS Mikee” upang makatulong na mailigtas ang aktres sa nalalapit na eviction night.

Makikita rin sa Instagram post ni Mika ang teaser ng kanilang vlog na nagtatampok ng house tour sa bahay ni Mikee na obviously ay kinunan bago pa pumasok ang aktres sa PBB.

“New vlog tomorrow  5PM with Ate Mikee!! Hindi yan sya pweding lumabas kaya lahat ng kikitain ng vlog namin na ito ilalagay ko sa BBS Mikee!!!!!!!” saad ni Mika sa kanyang caption.

Pinuri-puri naman ng mga fans ang pagiging supportive friend ni Mika na matatandaang naging Big Winner sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.

Matatandaang nagsimula ang pagkakaibigan nila nang magsama sila sa pelikulang Saving Cherry, kasama sina Barbie Forteza, AC Bonifacio, at Sassa Gurl.

Samantala, bukod kay Mikee, nominated din for the first eviction ang five pang housemates na sina Ethan Benares, Nicole Fortuna, Calix Esguerra, Primo Alterado, and Nathan Garcia.

Calix at Olivia, tuloy na sa showbiz

Hindi na rin napigilang pumasok sa showbiz ang mga anak nina Dennis Trillo at Beauty Gonzalez na sina Calix Ho at Olivia Crisologo, respectively.

Opisyal nang inanunsyo ng Aguila Entertainment ang pagpasok nina Calix at Olivia bilang kanilang newest artists. Kasama rin sa kanilang bagong roster ang Miss Grand International 2025 na si Emma Tiglao.

Sina Dennis at Beauty ay pareho ring talent ng naturang agency na pinamunuan ng mag-inang Becky and Katrina Aguila kasama si Jan Enriquez.

Sa isang Instagram post, ipinakilala ng Aguila Entertainment ang kanilang mga bagong talents at ibinahagi ang kani-kanilang interes at plano sa mundo ng showbiz.

According to the agency, nais munang subukan ng 19-year-old na si Calix ang paggawa ng commercials at brand collaborations bilang Key Opinion Leader (KOL). Bukod dito, open din siya sa television at film projects.

Hindi lamang showbiz ang kanyang pinagkakaabalahan dahil kinilala rin si Calix bilang UAAP Rookie of the Year sa fencing.

Samantala, nais namang sundan ng sampung taong gulang na si Olivia ang yapak ng kanyang ina sa pag-arte. Bukod sa acting, interested din siya sa brand endorsements at auditions para sa television at digital commercials.

As for Emma, bukod sa kanyang pagkakapanalo bilang Miss Grand International 2025, mayroon na rin siyang experience bilang actress, host, at news presenter.

Kamakailan lamang, napabilang din si Emma sa lineup ng hosts para sa 42nd PMPC Star Awards for Movies, kasama sina Beauty, Tony Labrusca, at Jameson Blake.

MIKA SALAMANCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with