^

Pang Movies

Kris, may mga request kay PBBM

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, may mga request kay PBBM
Bimby at Kris

Ang daming na-shock nang makita si Kris Aquino sa Malacañang sa panahon ng pamumuno ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Dumalo ang Queen of All Media kasama ang anak na si Bimby Aquino sa annual Christmas tree lighting ceremony sa Kalayaan Grounds ng Palasyo nitong Sabado, Nov. 28, 2026.

Sa naturang event, hindi lamang nag-host ang mag-inang Aquino kundi nagsalita rin si Kris ng mga papuri sa ilang hakbang ng administrasyon ni PBBM.

“I’m sure all of you did not expect an Aquino to be hosting tonight,” nakangiting pahayag ni Kris.

“I was joking about it earlier, kasi, it’s a tie. Two Marcoses, two Aquinos have been president. And, I said, Bimb, I got to hurry up and get well, so that I can break the tie,” biro pa niya.

Ang tinutukoy ni Kris ay sina dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ang anak nitong si PBBM, gayundin ang kanyang inang si dating pangulong Corazon Aquino at ang kanyang kapatid na si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Isa sa mga binigyang-pansin ni Kris ay ang tulong na natatanggap ng mga low-income at marginalized households sa pamamagitan ng electricity subsidy program.

“Marami ang hindi kailangan magbayad ng Meralco bill. Maraming salamat sa ating Pangulo,” aniya.

“Actually, our President is doing a great job,” papuri pa ni Tetay.

Nagpahayag din siya ng kanyang suporta sa pagtatanggol ng Pilipinas sa territorial rights nito sa West Philippine Sea.

“He is fighting for our territorial rights of the Philippines. Importante talaga, West Philippine Sea,” ani Kris.

Ang nakakatuwa, may request pa si Tetay kay PBBM tungkol sa pagbili ng langis mula sa United States.

“Please don’t buy oil from President Trump,” pakiusap niya.

“I love the United States. Those are my happiest years and that’s where I need to go back. Ire-revoke na my visa. Let’s stop na. Bye-bye!” dagdag niyang may halong biro.

‘Mas mabuting gising kaysa lasing’ – Karen

Hindi na rin napigilan ng batikang broadcast journalist na si Karen Davila na maglabas ng kanyang opinyon kaugnay ng panukalang patawan ng karagdagang buwis ang mga inuming kape sa bansa.

Sa gitna ng mainit na diskusyon tungkol sa posibleng pagtaas ng buwis sa mga produktong alak, kinuwestiyon ni Karen kung bakit pati kape ay nais umanong isama sa mga produktong papatawan ng dagdag na tax.

Sa kanyang post sa X, diretsahang nagpahayag ng pagtutol ang mamamahayag sa naturang ideya. “Buwisan nalang daw ang kape... huwag alak?” tanong ni Karen.

Ipinaliwanag din niya kung bakit magkaiba ang kategorya ng kape sa alak at sigarilyo, na kapwa sakop ng Sin Tax Law.

“Pinatawan po ng Sin Tax ang alak at sigarilyo dahil masama ito sa kalusugan bukod sa revenue measure ito ng gobyerno,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “Nananahimik ang kape. Mas mabuting gising kaysa lasing.”

Agad namang umani ng reaksyon ang post ni Karen, lalo na sa gitna ng debate kung anong mga produkto ang dapat pang dagdagan ng buwis.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with