^

Pang Movies

Finally, Jane babalik na sa teleserye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Finally, Jane babalik na sa teleserye
Jane

Magsasama sa bagong serye ng ABS-CBN sina Jane de Leon, Enchong Dee, at Jake Cuenca. Bride To Be ang title ng Kapamilya series under RCD Narratives. 

Naghuhulaan na ang fans kung kaninong bride si Jane between Enchong and Jake. May mga request nang si Jake ang maging end game ng karakter ni Jane sa romance drama series.

May mga request din na sana, hindi purely romance drama ang series, lagyan daw ng twist na magiging rason para subaybayan ito ng fans at hindi lang dahil sa cast.

May mga natutuwa rin for Jane dahil matagal na nilang hindi ito napapanood sa series ng ABS-CBN. Ganu’n din si Enchong na matagal na ring hindi gumawa ng series.

Movie ni Dennis sa MMFF, most ambitious!       

Co-producer sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ng pelikulang Amir, sila ang nasa likod ng Brightburn Entertainment. Second co-production project na nila ang nasabing pelikula na entry sa 2026 MMFF kasama ang GMA Pictures at GMA Public Affairs. Ang Greenbones ang unang collab ng Brightburn sa dalawa pang film outfit.

Wala pang nakakapagtanong kina Dennis at Jennylyn kung exclusive lang ba sa GMA Pictures at GMA Public Affairs ang kanilang pakikipag-collab.

Makikita rin na pawang si Dennis ang bida sa dalawang collab project ng Brightburn Entertainment. May plano ba silang mag-produced na si Jennylyn naman ang bida?

Anyway, sa podcast interview ni Noel Ferrer kay Atty. Annette Gozon-Valdez, nabanggit ni Atty. Annette na ang Amir ang kanilang most ambitious project in 20 years.

“This movie, it’s much bigger than our first two entries. It’s bigger than “Firefly,’ it’s bigger tham “Green Bones.” This is our most ambitious project in the last 20 years. It’s expensive. But of course, we didn’t dwell on that because we had to tell this story,” ayon kay Atty. Annette.

Rosie nina Luis at Jessy, may billboard na

Proud mom si Jessy Mendiola sa first billboard ng daughter nila ni Luis Manzano na si Rosie. Pinost ni Jessy sa kanyag Instagram ang billboard nilang mag-ina for Sanicare na nakataas sa kahabaan ng EDSA.

“Rosie’s first-ever billboard!

She had the biggest smile when she saw herself and said, “Just like Mama!” Ahhh.”

Pinusuan ng followers ni Jessy sa IG ang kanyang post at marami ang nag-congratulate. Siguradong masusundan pa ng maraming billboards at endorsement si Rosie, kaya hintayin na lang.

JANE DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with