^

Police Metro

81 evacuees na ang namamatay sa Zambo evacuation center

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniulat ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City na umaabot sa 81 evacuees ang namamatay sa evacuation center dahil mga sakit na naitala mula Setyembre 2013 hanggang Pebrero 8, 2014.

Nabatid pa na karamihan sa mga nasawi dahil sa sari-saring mga sakit ay ang mga evacuees sa Cawa Cawa Boulevard at Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex na kinaroroonan ng pinakamaraming bilang ng mga evacuees simula ng sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng MNLF fighters at ng tropa ng militar.

Magugunita na ang krisis sa Zamboanga City na nag-umpisa noong Set­yembre 9,2013 ay tumagal ng 20 araw matapos na sakupin ng MNLF fighters sa pamumuno ng wanted sa batas na si Comman­der Habier Malik at apat pang opisyal ng grupo ang limang baybaying barangay sa lungsod kung saan nasa mahigit 200 sibil­yan ang hinostage.

vuukle comment

CAWA CAWA BOULEVARD

COMMAN

HABIER MALIK

INIULAT

JOAQUIN ENRIQUEZ MEMORIAL SPORTS COMPLEX

MAGUGUNITA

NABATID

PEBRERO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with