^

Punto Mo

CCTV at privacy

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISANG kakilalang domestic helper sa Singapore ang nagkuwento na nagpakabit ng mga closed-circuit television (CCTV) sa loob ng bahay ang kanyang amo para ma-monitor ang kanyang mga ginagawa. Nawalan daw siya ng privacy dahil dito pero bilang pampalubag-loob, ipinakita naman sa kanya ng among babae kung saan nakakabit ang mga CCTV. Wala naman daw camera sa kanyang sariling kuwarto at ang banyo kaya walang problema sa paliligo at pagbibihis at iba pang pribado niyang aktibidad. Hindi naman masisisi ang kanyang mga amo dahil sa mga balita hinggil sa ibang mga dayuhang kasambahay na gumagawa ng kabulastugan o pananakit halimbawa sa miyembro ng pamilya ng kanilang employer. Marami na rin namang pamilya sa ibang mga bansa, hindi lang sa Singapore, ang gumagamit ng CCTV sa loob ng kanilang bahay sa iba’t ibang kadahilanan.

 Isa rin iyang patunay sa pagiging popular ng CCTV na sa kasalukuyang panahon ay nagkakaroon nang malaking silbi sa lipunan. Mula nang maimbento ito noong 1940, unti-unting lumaganap ang paggamit nito mula sa pagmamanman sa pinapalipad na mga rocket, mga pabrika, instalasyon ng militar, at pagkakabit nito sa mga banko at airport. Isa sa pangunahing gamit niya ang panlaban  sa krimen kaya maraming banko ang nagkakabit nito na isang tiyak na dahilan kaya nababawasan ang mga panghoholdap sa mga banko. Ngayon, kahit ang mga hotel, condominium, restawran, eskuwelahan, internet café, at maging sa mga matataong kalsada ay kinakabitan din ng CCTV. Nakakapanghinayang lang kapag may mga krimen na nangyayari sa mga lugar na walang CCTV. Tulad ng sa pagpaslang sa isang mayor sa NAIA minsan na nangyari sa isang bahagi ng paliparan na walang CCTV.  Marami ang nanghinayang dahil, sa dami ng nagkalat na surveillance camera sa airport, nangyari pa ang krimen sa isang bahagi nito na walang gumaganang CCTV

 Pero isang problema sa CCTV na kinukuwestyon ng mga human rights advocate ang nawawalang privacy ng mga tao na nakukunan ng video. Hindi naman lahat ng lugar ay maaaring kabitan nito tulad ng banyo o sa silid-tulugan ng isang tao. Parang binibilang ang mga kilos at galaw mo. Nakakabawas ng kalayaan.  Isang suliranin din na, kapag may nangyaring krimen sa loob halimbawa ng isang hotel o condominium, hindi pa rin sapat ang nakukunan ng CCTV dahil limitado lang ang sinasaklaw nitong mga lugar. Siguro, kung meron lang CCTV sa loob ng condominium unit ng isang babaing modelo (hindi lang sa labas), mapapatunayan lalo kung ginahasa nga ba siya o hindi ng komedyanteng aktor-TV host. Pero malabo ngang mangyari ito dahil sa privacy.

• • • • • •

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa e-mail address na [email protected])

 

ANUMANG

CCTV

ISA

ISANG

MARAMI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with