^

PSN Opinyon

Labag sa karapatan ng bata

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PATULOY pa rin ang opensiba ng militar sa mga rebeldeng BIFF. Ayon sa report, higit 50 na ang namamatay sa BIFF. Tumiwalag ang BIFF sa MILF nang magkaroon na ng kasunduan para sa kapayapaan. Inutos ni President Aquino na sugpuin ang mga magiging hadlang sa kapa-yapaan, lalo na’t pormal na nagpirmahan na ang gobyerno at MILF. Ang tingin sa BIFF ay mga nanggugulo sa isang kasiyahan o party.

Pero mula sa mga namatay na BIFF rebels, nakumpirma ang matagal nang hinala ng militar. Gumagamit ng mga batang mandirigma ang BIFF. Tatlong menor de edad ang namatay. Naka-uniporme at armado. Wala pang 20-anyos ang mga namatay. Napuna rin ng mga paaralan sa Mindanao ang unti-unting pagbawas ng mga lalaking nag-eenrol sa mga paaralan mula 2011. Hinala ay pilit kinukuha ng BIFF para magsanay sa digmaan.

Labag ito sa pangunahing karapatan ng mga bata. Hindi sila dapat sinasabak sa karahasan. Hindi sila dapat nilalason ng anumang ideolohiya. Tila indikasyon na rin ito na desperado na ang BIFF makakuha ng mga mandirigma para isulong ang kanilang laban. Kaya dapat lang na masugpo na ang rebeldeng grupong ito, para hindi na madagdagan ang mga batang mandirigma sa Mindanao. Kung bakit ayaw pang sumama sa daan patungo ng kapayapaan ay sila na lang ang nakaaalam. Wala na sigurong alam gawin kundi manggulo. Mga ayaw mapa-sailalim ng batas. Mismo ang MILF na ang nagpahayag na ang mga kalaban ng kapayapaan ay wala nang saysay.

Huwag ding kalimutan ang MNLF-Misuari, na nanggulo sa Zamboanga noong Setyembre. Baka naghihintay lang ng tiyempo para lumusob at manggulo muli. Tama lang na militar na ang sumalakay sa mga rebelde.

 

AYON

BIFF

GUMAGAMIT

HINALA

HUWAG

INUTOS

MINDANAO

PRESIDENT AQUINO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with