^

Probinsiya

Syota ng anak, minolestiya ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding pagkadismaya sa pagbagsak ng grado ng anak na lalaki, minolestiya ng ama nito ang 17-anyos niyang kasinta­hang estudyante sa bayan ng Rosario, Batangas, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktimang itinago sa pangalan Desiree ay personal na nagreklamo sa pulisya kamakalawa kasama ang kanyang mga magulang kaugnay sa pang-aabuso sa kanya ng ama ng kanyang boyfriend.

Kinilala ang suspek na si Russel Gutierrez de Catro, 39, ng Barangay Poblacion C sa nasabing bayan.

Ayon kay Desiree, naganap ang pangmomolestiya  noong Lunes (Enero 20) ng gabi sa tahanan ng kaniyang boyfriend

Bago umano naganap ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at kasintahan nito dahil sa pagbagsak ng grado sa tatlong aralin nito.

Dahil dito, napilitan ang biktima na i-text ang ama ng suspek kung saan pinapunta ang biktima sa kanilang bahay upang kausapin ang nakatampuhang kasintahan.

Gayon pa man, pagda­ting sa bahay ng suspek ay sinasabing pinaghihipuan ang biktima sa maseselang bahagi ng  katawan at minolestiya.

vuukle comment

AYON

BARANGAY POBLACION C

BATANGAS

CATRO

DAHIL

ENERO

GAYON

KINILALA

RUSSEL GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with