^

Police Metro

Dagdag na puwersa ng PNP idineploy sa Tacloban City

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdeploy ng karagdagang tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa Eastern Visayas para tugunan ang peace and order situation sa lugar, bunga ng ulat na pagnanakaw at iba pang uri ng kriminalidad matapos ang pinsalang iniwan ng bagyong ‘Yolanda’.

Sinabi ni PNP chief Director General Alan Purisima, nagpadala na siya ng karagdagang 120 police officers sa Tacloban City mula Metro Manila at Central Visyas na bahagi ng 150 strong contingent na nauna nang ipinadala sa Eastern Visayas, upang proteksyunan ang mga establisyemento at manumbalik ang katahimikan at kaayusan sa lugar.

Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay sumuporta na rin sa lugar at nagpadala ng may 100 sundalo upang tumulong sa pagpapayapa sa mga residente na napaulat na naging marahas dala ng kakapusan ng pagkain.

Unang sinira at pinasok ng mga gutom na residente ang Gaisano mall at kinuha ang lahat ng kanilang maaa­ring pakinabangan, maging ang mga ATM sa lugar ay sinasabing niraransak na rin ng mga residente.

Umaapela ang pamunuan ng PNP at AFP sa mga residente na maging mahinahon dahil ginagawa na nila ang kanilang makakaya para maihatid ang tulong ng pamahalaan.

Depensa naman ng mga residente na marami sa kanila ang hindi na makatiis sa gutom kaya napilitan silang magnakaw ng kahit ano mang makakain ng kanilang pamilya.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CENTRAL VISYAS

DEPENSA

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

EASTERN VISAYAS

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with