^

PSN Palaro

Sa NCAA: Lions balik sa solong liderato

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. Letran vs AU (Srs.)

6 p.m. Jose Rizal U vs Perpetual (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Inagaw ng three-time champions San Beda College ang liderato matapos gibain ang Emilio Aguinaldo College, 71-64, sa 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Matapos maiwanan ng Generals sa first half, 31-33, nagtuwang naman sina Baser Amer at Ryusei Koga para ibigay sa Red Lions ang 58-46 abante sa third period.

At mula dito ay hindi na nilingon ng San Beda ang EAC.

Nagtumpok sina Amer at Koga ng pinagsamang 25 points para sa Mendiola-based squad na itinala ang 10-2 kartada.

Samantala, lumayo uli ang San Se­­bastian sa kaagahan ng tagisan pero sa pagkaka­taong ito ay hindi na nila pinahintulutan na makaba­ngon pa ang Mapua para sa 72-63 pananaig.

Tumipak si CJ Perez ng 19 puntos at 11 rebounds at ang kanyang tres sa dulo ng laro ang nagpalamig sa paghahabol na ginawa ng Cardinals.

Ang iba pang mga guards ng Stags na sina Jovit dela Cruz at Jamil Ortuoste ay tumapos pa taglay ang 14 at 11 at ang tropa ni coach Topex Robinson ay nagpakatatag sa ikaapat na puwesto sa 7-5 baraha.

Nabaon pa ng husto ang Cardinals matapos malasap ang ika-10 sunod na kabiguan matapos ang 1-11 kartada. (ATan)

SBC 71-- Dela Cruz 16, Amer 15, Koga 13, Adeogun 12, Dela Rosa 6, Mendoza 4, A. Semerad 2, D. Semerad 2, Abarcar 1, Villaruz 0.

EAC 64-- Happi 17, Morada 14, Jamon 13, Paguia 9, Tayongtong 9, Arquero 2.

Quarters: 22-14, 31-33, 58-46, 71-64.

vuukle comment

AMER

BASER AMER

DELA CRUZ

DELA ROSA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JAMIL ORTUOSTE

JOSE RIZAL U

KOGA

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with