^

Bansa

VP Sara ‘inginuso’ ng DDS

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
VP Sara ‘inginuso’ ng DDS
Vice President Sara Duterte via Facebook

Kaya naisyuhan ng arrest warrant

MANILA, Philippines — Mismong ang mga tagasuporta ng pamilya Duterte ang umano’y nagturo sa mga awtoridad ng kinaroroonan ni Vice Pres. Sara Duterte kaya naisilbi ang warrant of arrest laban dito.

Ito ang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla kaya pinayuhan nito ang Bise Presidente na pagtuunan ng pansin ang mga taong nakapaligid sa kanya na umano’y nagbigay ng impormasyon hinggil sa kanyang lokasyon.

“It was the people around her she must look out for. They told us where she was,” sabi ni Remulla.

Matatandaang paulit-ulit na sinabi ni Duterte na hindi siya ligtas bago maglagak ng piyansa sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) nitong Sabado. Sinabi rin niyang wala siyang tiwala sa mga pulis na umano’y sumusunod sa utos ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kabila nito, tiniyak ni Remulla na tungkulin nilang protektahan ang Bise matapos nitong sabihin na hindi siya nagtitiwala sa korte at mga nagpapatupad ng batas.

Ayon kay Remulla, nauunawaan niya ang pangamba ng Bise ngunit sinabi niyang dapat mabuo ang tiwala sa pamamagitan ng mga konkretong aksyon. Iginiit niyang walang intensyon ang pamahalaan na saktan si Duterte at mananatiling nakatuon ang mga awtoridad sa pagprotekta sa lahat ng Pilipino.

Dagdag ni Remulla na propesyonal at walang kinikilingan ang PNP sa pagpapatupad ng batas. Hindi na umano sangkot ang PNP sa extrajudicial killings at ang naturang polisiya ay natigil noong 2022.

Inihayag din ng kalihim na ilalabas niya ang body camera footage ng pagsisilbi ng warrant of arrest kay Duterte at ang pagharap nito sa QC Court upang ipakita na maayos at may paggalang ang naging pagtrato ng mga pulis sa Bise Presidente.

Samantala, sinabi ng political analyst na si Cleve Arguelles na kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa na nabigyan ng warrant of arrest ang isang nakaupong bise presidente. Aniya, bagama’t maaaring limitado ang agarang epekto nito matapos ang pagpiyansa, maaari itong magkaroon ng malaking implikasyon sa pulitika.

DUTERTE

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with