^

True Confessions

La Viuda (30)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
La Viuda (30)

MATAPOS kaladkarin ni Don Geronimo ang kanyang anak na si Natasha palabas ng mansion, at isinama paalis, nakahinga nang maluwag si Kristina. Ang akala niya kasi ay sinusundo ng don ang anak at isasama nila si Andres.

Kinagabihan, tahimik na inihahanda ni Kristina ang lagari at mga pagkain na ipinuslit niya mula sa kusina ng mansyon. Akmang lalabas na siya ng mausoleo papunta sa kulungan ni Andres nang nagulat ang dalaga nang lumitaw sa dilim si Ernesto. Hinihingal ito, marumi ang damit, at bakas sa mga mata ang matinding puyat mula sa lihim na pagbiyahe pabalik ng hacienda.

“Ernesto?” bulong ni Kristina, halos tumigil ang tibok ng kanyang puso. “Anong ginagawa mo rito? Kapag nalaman ng ina mo na narito ka,”

“Wala akong pakialam sa kanya,” mabilis na sagot ni Ernesto. Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Kristina at mahigpit na pinisil. “Hindi ako mapakali sa Maynila. Gabi-gabi... ikaw lang ang iniisip ko, Kristina.”

Napatitig si Kristina sa binata. “Alam mo, gutom lang ‘yan. Tamang-tama may naitago akong pagkain—”

“Iwan na natin ang lugar na ‘to,” pakiusap ni Ernesto sa nanginginig na boses. “Sumama ka na sa akin ngayong gabi. Magtanan na tayo.”

(Itutuloy)

DON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with