Dennis, lumambot na puso kay Patrick?!
MANILA, Philippines — Sinabi ni Dennis Trillo na hindi nila pinag-usapan ni Jennylyn Mercado ang pagte-trending nila sa pagsagot niya mga isyu matapos magpa-interview si Patrick Garcia. Ginagawa lang naman daw niya ang dapat bilang padre de pamilya. “Wala, wala kaming usapan... Ako na lang talaga dahil siyempre pamilya ko yun, e.
“Walang ibang magtatanggol kundi padre de pamilya, di ba? Iyon yung panghunahing responsibilidad ng ama at bilang tumatayong tatay ng pamilya, di ba?
“Siyempre gagawin mo ang lahat para protektahan sila at all cost,” pakli ng Kapuso Drama King.
“Kailangan ko lang maging matibay siyempre. Isipin mo palang yung pamilya. Ahhh sila naman ang pinakaimportante talaga. And ahh ayun! Harapin nang matapang, dahil siyempre pag pamilya ang pinag-usapan, ibang usapan na yun,” dagdag niyang pahayag.
Pero sabi ni Dennis, tapos na. Sana itigil na raw ang bashing, at nasabi na rin naman daw niya ang lahat.
Bukas ba sila sa pakikiupag-ayos kay Patrick? Haharapin kaya nila kung sakaling makipag-reach out sa kanila ang kampo ni Patrick Garcia?
“Sa totoo lang, wala namang problema dun,” tugon ni Dennis.
“Ngayon, siyempre mas mahirap lang kasi nagkaroon ng ganyan. Pero lahat naman ito madadaan sa mabuting usapan. Kung alam mo yun, kung siguro dumirekta talaga siya sa amin at hindi idinaan sa ibang tao, hindi na siguro nagkaroon ng ganitong klaseng pag-uusap,” dagdag niyang pahayag.
Sinundan siya ng tanong kung willing silang kalimutan na ang mainit na isyung ito at magkapatawaran na lang. “Oo naman, lahat ng tao puwedeng bigyan ng second chance, ‘di ba, kahit gaano pa kagrabe yung mga nagawa niya.
“Tao lang tayo. Lahat tayo, sa tingin ko, may karapatan... alam mo yun, puwede nating bigyan ng chance bawat isa para magbago,” sambit niya.
Kaagad na hinarang ng manager ni Dennis nang hiningan ito ng mensahe para kay Patrick.
“Peace to all and spread love,” nakangiti niyang sagot.
- Latest


















