LTO-NCR office natupok

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang bahagi ng ikatlong palapag ng Land Transportation Office–National Capital Region (LTO-NCR) sa G. Araneta Ave., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, bandang alas-11:14 ng umaga nitong Linggo, Setyembre 20.
Umabot sa second alarm ang sunog habang rumesponde ang mga bumbero at rescue volunteers sa lugar.Bandang alas-12:04 ng tanghali nang naapula ang sunog.Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog.
Ayon kay LTO-NCR Regional Director Atty. Richard Perez, admin at HR offices ang nasa ikatlong palapag ng tanggapan.
Patuloy pa ring inaalam ng BFP ang pinagmulan ng sunog.
- Latest




















