Finals slot nakataya sa La Salle-UST sa SSL
MANILA, Philippines — Bawal kumurap.
Wala ng bukas ang bakbakan ng unbeaten De La Salle University at University of Santo Tomas sa kanilang knockout semifinal showdown ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate pre-season Championship ngayong araw sa Rizal Memorial Coliseum.
Magsisimula ang paluan ng Lady Spikers at Golden Tigresses sa alas-6 ng gabi pagkatapos ng labanan sa pagitan ng College of Saint Benilde at University of the Philippines sa alas-3:30 ng hapon sa kanilang classification match.
Sumampa ang Lady Spikers at Golden Tigresses sa do-or-die semis pagkatapos nilang manalo sa quarterfilnals sa second round sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.
Hinataw ng Taft-based squad ang 25-18, 25-20, 20-25, 20-25, 17-15 panalo laban sa archrival Ateneo de Manila University sa quarters noong Linggo, habang giniba ng España-based squad ang University of the East, 25-22,25-21, 25-21.
Isang panalo lang ang kailangan ng La Salle at pupuwesto sila sa kanilang pangalawang sunod na finals appearance sa nasabing tournament matapos ang runner-up finish sa inaugural edition may dalawang taon na ang nakalipas.
- Latest