^

Pang Movies

Maui, ayaw mamersonal

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maui, ayaw mamersonal
Maui

Sinagot ng original Viva Hot Babes member na si Maui Taylor ang tungkol sa issue ng grupo nila at ng bagong female sexy group ng Viva na VMX Babes.

Naging usap-usapan kasi ang umano’y pagkakakansela ng guesting ng VMX Babes sa reunion concert ng Viva Hot Babes ngayong Oktubre.

Ang lumulutang na issue, mismong ang Viva Hot Babes ang nagpakasela ng guesting ng VMX Babes.

Sa mediacon ni Maui para sa kanyang bagong Vivamax project na Pantaxa Laiya Uncut tinanong sa kanya ng entertainment press na kaagad naman niyang nilinaw.

“First thing, wala po kaming power para magpa-cancel ng artist. I will clarify for the first and last time, it is a management decision,” sey ng aktres.

“Hindi dahil sa amin iyon. We do not have the power to do that,” dagdag pa niya.

Bagama’t hindi raw niya pinepersonal ang mga tila patutsada ng VMX Babes sa kanilang grupo, sey ni Maui ay magkaroon naman daw sana ng respetohan sa pagitan ng mga artist na nasa ilalim ng iisang kumpanya.

Natanong din si Maui kung nasaktan ang Viva Hot Babes sa mga naging patutsada ng sister group nila sa Viva Entertainment. “Hindi siya masakit…but if you call us ‘ates’ why are you stepping on us? We are under one company, dapat magkakapatid tayo.

“Bakit parang feeling namin is nagagamit kami, in order for them na mas makilala sila,” aniya.

Nilinaw rin ng sexy actress na hindi naman niya ipi­nagkakait sa VMX Babes ang pagkakataong gumawa ng sariling pangalan sa industriya.

Mensahe niya sa bagong grupo, “They have to prove themselves. See you in 20 years.”

Samantala, bukod sa upcoming reunion concert, nakatutok din ngayon ang sexy actress sa kanyang bagong project na Pantaxa Laiya: Uncut, na mapapanood simula October 13.

Si Maui ang host ng special, habang si Carlo Alvarez ang direktor.

Tampok sa “Pantaxa Laiya: Uncut” ang raw materials at behind-the-scenes footage mula sa “Pantaxa Laiya” reality show, na layuning makapili ng mga susunod na Viva sexy stars. Walo ang naging contestants sa reality show—sina Angelica Hart, Audrey Avila, Aiko Garcia, Apple Dy, Aria Bench, Aila Cruz, Armina Alegre, at Cess Garcia.

Dennis, gusto nang mag-move on

Nais nang mag-move on ni Dennis Trillo sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang pamilya at ni Patrick Garcia na talaga namang pinag-uusapan.

Sa kanyang latest post sa Threads, umapela ang aktor na tigilan na ang bashing at pairalin na lang ang respeto. “Respeto ang mananaig today Stop the hate and spread love Remember… No Bashing, its 4 Fun #moveon,” ang mensahe ni Dennis sa publiko.

Kaaliw naman ang sagot ng netizens sa comment section na ayaw pa ring paawat sa kanilang galit kay Patrick.

MAUI TAYLOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with