Kalaguyo ni misis tinodas ni mister!

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding selos, pinagbabaril at napatay ng isang mister ang lalaking hinihinalang kalaguyo ng kaniyang misis sa Brgy, Sawang Calero, Cebu City, ayon sa ulat nitong Sabado.
Sa ulat ng Cebu City Police, ang nasawing mister na kinilala lamang sa pangalang Paolo ay isang 37-anyos na e-bike driver, dead-on-the-spot sa insidente sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Bandang alas-9:15 ng gabi noong Huwebes, nang mangyari ang krimen sa kahabaan ng Tupaz Street, sa harapan ng OCS Lending sa Brgy. Sawang Calero ng lungsod.
Nagresponde naman sa lugar ang mga operatiba ng Police Station (PS) 6 at nadatnan ang nakasalampak na duguang labi ng biktima sanasabing lugar na may tama ng mga bala sa ulo.
Arestado naman sa follow-up operation ng mga operatiba ang itinuturong “gunman” na kinilala sa pangalang “Erick”, 35-anyos na isa ring e-bike driver at kapitbahay pa ng biktima sa naturang barangay.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng hindi rehistradong 9mm caliber paltik na may nakamarkang “Eyo”.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ikinagalit umano ng suspect ang natuklasan nitong pakikipagrelasyon ng kaniyang misis sa kasamahang e-bike driver sa kumalat na usap-usapan sa kanilang lugar.
- Latest

















