Pari, pinaghimalaan ni Birheng Maria (Last Part)
NATUPAD ang kahilingan ni Fr. Fulton Sheen kay Birheng Maria. Pinaghimalaan siya nito.
Binayaran ng lalaki ang hotel bill ng pari na siyam na araw na nag-stay sa hotel. Kapalit nang pagbabayad sa hotel bill ay ang pagiging guide niya sa asawa at anak ng lalaki habang nagto-tour sa Paris. Hindi makapaniwala si Sheen sa nangyari. Ang akala niya, mahaharap siya sa isang eskandalo dahil sa hindi makapagbayad sa hotel.
Hindi niya akalain ang magiging sagot ng Birheng Maria sa kanyang request. Siyam na araw siyang nagnobena at sa ikasiyam na araw, sinagot siya ng Mahal na Birhen.
Gumamit ang Mahal na Birhen ng tao para masagot at matupad ang kahilingan ni Sheen.
Inamin ni Sheen na nang sumapit ang ikasiyam na araw at wala pang dumarating na tulong, nag-worry din siya. Kaya sa huling pagkakataon, nagdasal siya sa grotto. At sa pagpunta niya sa grotto, nakilala niya ang lalaki na tumulong para mabayaran ang hotel bill niya.
Sa huli, nagbiro si Father Sheen, na kung magdarasal at hihingi ng himala kay Birhen Maria ay huwag na raw pairalin ang pagiging kuripot. Humiling na nang malaki at ipagkakaloob ito ng Mahal na Ina.
- Latest















