^

PM Sports

Pirates pinayuko Cardinals

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinandalan ng Lyceum of the Philippines University ang opensa ni Lance Aurigue upang sikwatin ang mahirap na 88-87 panalo kontra Mapua University sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City kahapon.

Tumikada si Aurigue ng 21 points, 13 rebounds dalawang assists at tig- isang block at steal upang tulungan ang Pirates na ilista ang 1-1 karta.

Dahil sa panalo, umakyat ang Intramuros-based squad sa third spot sa Group A habang solo sa tuktok ang College of Saint Benilde tangan ang malinis na dalawang panalo.

Dikitan ang labanan sa unang dalawang p­eriods kung saan ay lamang lang ng isang puntos ang Cardinals, 47-46.

Biglang nag-init ang Mapua sa third period nang hablutin nila ang 12-2 run at hawakan ang 10-point lead, 67-57 pero hindi basta nagpaiwan ang LPU, at naibaba nila ito sa anim, 70-64 papasok ng fourth quarter.

Lumabas ang bangis ng Pirates sa payoff period naitabla muli ang laro sa 76-all, sa tulong ng mga nagbabagang three-pointer ni Mclaude Guadaña.

Pansamantalang ibinalik ni Aurigue ang bentahe sa Lyceum bago muling itabla ni Lance Nitura ang iskor sa 81-all sa natitirang 4:14 ng laro.

Sa ikalawang laro, kinadena ng Perpetual Help System DALTA ang two-game winning streak matapos nilang igupo ang San Sebastian College, 86-7.

Nagpasiklab sa opensa si Leobert Casinillo matapos nitong ilista ang 15 points kasama ang 5-of-9 sa field goal at 3-of-3 sa free throw upang tulungan ang Altas na ilista ang 2-1 karta sa Group B. 

 

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with