^

Probinsiya

P204.4 milyong ‘kush’ nadiskubre pa sa yate sa Subic

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P204.4 milyong ‘kush’ nadiskubre pa sa yate sa Subic
Nasa 109 pakete ng kush na may timbang na 123.91 kilo at halagang P204.44 milyon, ang panibagong natuklasan nitong Sabado, mula sa iisang yate na dati nang nakuhanan ng 89 pakete o  P162.2 milyon halaga nito noong Miyerkules.
Bureau of Customs - Port of Subic / Facebook page

MANILA, Philippines — Nadiskubre ang ka­ragdagang mahigit P204-milyong halaga ng kush sa isang yate sa nagpapatuloy na inspeksyon sa Port of Subic sa Zambales, ayon sa Bureau of Customs (BOC) nitong Sabado.

Nasa 109 pakete ng kush na may timbang na 123.91 kilo at halagang P204.44 milyon, ang panibagong natuklasan nitong Sabado, mula sa iisang yate na dati nang nakuhanan ng 89 pakete o  P162.2 milyon halaga nito noong Miyerkules.

Katuwang ng BOC sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of Justice (DOJ), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Subic Bay Metropolitan Authority Law Enforcement Department (SBMA-LED).

Sa kabuuan, umabot na sa 198 pakete ng high-end kush o halagang humigit-kumulang sa P366.65 milyon ang nakumpiska.

Binigyang-diin ni District Collector Atty. Geniefelle Lagmay ang determinasyon ng Port of Subic na manatiling mapagmatyag at mapigilan ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa, sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“This operation demonstrates that our enforcement efforts do not end with the initial seizure. Patuloy ka­ming makikipagtulu­ngan nang malapit sa ating mga kasamahan sa pagpapatupad ng batas at magsasagawa ng mga masusing inspeksyon upang matiyak na walang mga iligal na droga ang makakarating sa ating mga komunidad. The BOC remains committed to protecting our borders and supporting the administration’s efforts to disrupt the illegal drug trade,” ani Commissioner Nepomuceno.

BUREAU OF CUSTOMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with