^

PM Sports

Gilas reresbak sa New Zealand

Chris Co - Pang-masa
Gilas reresbak sa New Zealand
Isa si Dwight Ramos sa mga muling aasahan ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa New Zealand sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

MANILA, Philippines — Handa na ang Gilas Pilipinas na resbakan ang New Zealand sa kanilang muling paghaharap sa third window ng FIBA World Cup Asian Quali­fiers ngayong araw sa Auckland, New Zealand.

Masisilayan ang duwelo ng Gilas Pilipinas at New Zealand sa alas-3 (alas-7 ng gabi oras sa Maynila) sa Spark Arena.

Nakapagpahinga si naturalized player Justin Brownlee na hindi nasila­yan sa aksyon sa dalawang friendly games ng Gilas Pilipinas.

Pinataob ng Gilas ang Manawatu Jets (92-61) kasunod ang pananaig sa Franklin Bulls (94-66) para walisin ang kanilang dalawang tuneup games.

Ngunit ibang usapan na ang aktuwal na laro dahil inaasahang ilalatag ng New Zealand ang matikas na puwersa nito upang madepensahan ang kanilang home court.

Wagi ang New Zealand sa Gilas sa kanilang paghaharap noong Pebrero 26 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kaya naman gigil ang Gilas na makaresbak upang makuha ang ikatlong panalo nito sa Group A.

Parehong may 2-2 rekord ang Gilas at New Zealand habang namamayagpag ang Australia na may malinis na 4-0 baraha. Wala pa ring panalo ang Guam sa apat na pagsa­lang.

Awtomatiko nang umu­sad sa susunod na round ang Australia at Gilas kaya’t no bearing na ang mga susunod na laro nito.

Maliban kay Brownlee, aasahan din ng Gilas sina Justin Baltazar at Mike Phillips na siyang hahalili sa puwesto nina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown.

Umaasa ang coaching staff na magiging maayos na ang lagay ni Phillips matapos magtamo ng minor injury sa kanilang tuneup game.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with