Andrea, nagpaliwanag sa pagpaparetoke!
Sinagot ni Andrea Brillantes ang akusasyon na may pinagawa siya sa kanyang fez.
Matapos nga nitong manguna sa Most Beautiful Faces of 2024 sa listahan ng TC Candler, may mga basher na nagsabing retokada naman daw ang actress at hindi raw natural ang ganda nito.
Mukhang napikon nga ito sa mga akusasyon at sinagot ang isang netizen na nagsabi ng “baka ginawa ni doc?”
Sa pamamagitan ng TikTok video ay sinupalpal nito ang basher at ipinost ang mga litrato niya mula pa noong nine years old siya na may caption na “Pretty since day one baby. Pretty with or without enhancements.”
Nagpatotoo nga ito na walang duda na natural ang ganda niya na mas na-enhance lang nang magdalaga na dahil halos walang pinagbago ang mukha nito.
Tila mas palaban na nga ngayon si Andrea ha dahil pumapatol na sa mga basher niya.
Kahit ang mga hindi niya tagahanga ay tanggap na legit ang ganda ni Andrea kaya payo ng mga ito sa mga basher ng dalaga ay manahimik na lamang ang mga ito.
Hindi na rin naman bago kay Andrea na makapasok sa listahan ng TC Candler pero ito ang unang beses na mag-no. 1 siya mula sa ranking niyang 16th nakaraang taon.
Payo nga ng mga netizen sa kanya ay huwag na raw sanang galawin ang mukha nito.
Aliw naman ang mga komento na maganda naman talaga ito pero dapat na raw nitong itigil ang pagbe-baby talk niya na nakaka-turn off daw sa marami.
Well, magma-mature rin naman ito kaya hintayin na lamang nila pero walang magagawa ang bashers niya dahil pinatunayan nitong karapat-dapat siyang manguna sa Most Beautiful Faces.
Bongga. Happy New Year, bashers. Hahahaha.
- Latest