Ruffa tinanggal na lahat ng toxic sa buhay, mga anak hindi raw kasing dali niyang ma-in love

“Very different when I was younger. Ang daming controversies noon,” sabi ni Ruffa Gutierrez tungkol sa dalawa niyang anak na sina Lorin and Venice na parehong sa abroad na nag-aaral.
Katuwiran niya, ibang-iba na ang Generation Z kesa noong panahon niya.
“Natutuwa naman ako na ‘yung mga Gen Z ngayon wala sa isip ang pag-aasawa at saka ‘yung lovelife.
“Based on my knowledge ha they work harder, very career-oriented.
“Hindi katulad nung mga panahon natin na madali tayong ma-in love,” sabay tawa niya nung ipakilala si Ruffa bilang bagong Ambassador ng Luxe Skin care noong isang araw.
Kaya naman nagpapasalamat siya: “So, I’m very thankful na hindi ako binibigyan ng sakit ng ulo ng mga anak ko. Kasi talagang masipag silang mag-aral, they are very career-oriented. They want to start their own business, so for sure hindi ako magiging lola anytime soon,” dagdag pa ng actress na sa totoo lang ay mas pumayat ngayon.
One year to go at ga-graduate na ang eldest ni Ruffa na si Lorin Bektas.
Kuwento pa niya, clean living na siya at tinanggal na lahat ng toxic sa kanyang buhay kaya aniya mas happy na siya ngayon.
Anyway, thirty years ago na pala since kumatawan siya sa Pilipinas sa Miss World.
Ganun na katagal. At aniya nga, hindi na niya nakikita ang sarili na muling sumasali sa pageantry, mas gusto niya raw maging mentor sa mga paparating na beauty queen.
Ayon pa sa 50-year-old na si Ruffa may mga natatanggap siyang mga offer na muling sumali sa mga beauty pageant pero ‘yun nga mas gugustuhin niyang tulungan ang mga naghahangad na maging beauty queen na gustong kumatawan sa Pilipinas sa mga international competition.
- Latest