^

PSN Showbiz

Ivana, naging fresh sa PBB

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ivana, naging fresh sa PBB
Ivana Alawi
STAR/ File

Ang bagets ni Ivana Alawi sa PBB. Parang nabura ang imahe niyang sexy actress at kumikita ng milyun-milyon bilang sikat na YouTuber.

Fresh-freshesan ang kanyang hitsura.

Pero ang isang hinihintay sa sexy actress ay ang sinabi niya sa thanksgiving blowout sa entertainment media na pagdating naman sa iba pang mga pinapangarap niya sa buhay, sinabi niya na isa rito ang malapit na niyang matupad.

Hindi na tinukoy pa ng celebrity vlogger kung ano ito.

Basta ang tangi niyang binitawan ay, “Meron akong isang pangarap na maa-achieve ko very, very soon. Pangarap ko siya dati pa.”

Ang isa pa niyang pangarap, siyempre, ay ang makabuo ng sarili niyang pamilya.

Sundot ni Ivana, “Next pangarap ko is, siyempre, makabuo na ng pamilya, maging housewife. Alam n’yo naman ‘yun. So, hindi pa natutupad ‘yun.”

Nang tanungin kung may love life ba siya ngayon, diretsahan niyang sinabi na single siya at sa sobrang dami raw ng ginagawa kaya wala talaga siyang panahon maging sa sarili niya.

Sexy star, pinu-push ng ina sa mga mayayaman

Grabe pala ang pagiging masunuring anak ng isang sexy star.

Lahat daw ng sinasabi ng kanyang mother dear, sinusunod nito.

Lalo na raw ang gusto nitong makipag-date siya (sexy star) sa mga madadatung sa Central Visayas region.

Yup, taga-roon daw kasi ang pamilya nito. Kaya target ng ina na mapabilang sa mga nasa mataas na antas ng lipunan ang kanilang pamilya.

Pero ang major twist, may boyfriend si sexy star na ginagamit daw nito (sexy star) para kunwari ay siyang naghihigpit sa kanya.

Kaya maraming naawa sa nasabing boyfriend nito na nagagamit nga raw  para makawala si sexy star sa inang pursigidong magkaroon ng son-in-law na kabilang sa mayamang angkan.

Ang galit daw ay ang mga kakilala ng boyfriend ni sexy star. Naaawa sila sa upcoming actor din.

In all fairness sa sexy star, mukhang may breeding at yayamanin kaya siguro gusto talaga ng ina na sa malaking tao ito makipagrelasyon at hindi sa struggling actor din.

IVANA

PBB

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->