^

PSN Palaro

Pakagat ni Calvin

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Ibang klase mag-negotiate si Calvin Abueva para ma-renew ang kontrata niya sa Converge.

Nag-announce siya ng retirement.

Anya, dehins na siya makikita ng mga fans niya next year dahil mapapaso na ang kontrata niya next month.

True or false?

Sa tingin ko, false. Dahil unang-una, kaya pang maglaro ni Calvin.

At kahit na 39 na siya sa February, malakas pa ang katawan ng player na tubong Angeles City, Pampanga.

May asim pa. At may angas pa.

Isa pa din si Calvin sa biggest draws sa PBA. Main attraction. Lahat ng galaw, inaabangan ng fans.

At ng Commissioner’s Office.

Kelan lang, nahatulan na naman siya ng fine dahil sa “dirty finger” sa game kontra Rain or Shine.

Thrown out siya sa game. Pero wagi dahil pu­ma­sok ang Converge sa semis ng Governors’ Cup.

First semis stint ng Con­verge sa PBA kaya ma­sa­ya si coach Delta Pineda na, ayon sa Spin.ph, nagsabing dehins nila pa­pakawalan si Calvin.

“We will renew him,” sabi ni Gob.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with