^

PM Sports

Buzz Rocket nanilat sa King’s Cup

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagdiwang ang mga mananaya sa pagkakapanalo ng Buzz Rocket sa 2026 MMTCI “3rd Leg King’s Cup - 4 Year Old & Above Imported Horses na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, Linggo ng hapon.

Binulaga ng Buzz Rocket ang mga liyamadista ng biglang rumemate ito sa rektahan at manalo pa ng may apat na kabayong agwat sa pumangalawang Speed Runner, dumating na tersero ang Readytoriskitall.

Hinawakan ng Anytime Anywhere ang bandera sa kaagahan ng karera at sa pagsungaw ng rekta na lang naagaw sa kanya ang unahan nang ungusan ito ng Readytoriskitall.

Matindi ang naging bakbakan sa huling 150 metro sa rektahan kung saan ay halos apat na kabayo ang nagkakapanabayan sa unahan bago nanggulat ang Buzz Rocket.

Sinakyan ni jockey Jommel Lazaro, nirehistro ng Buzz Rocket ang tiempong 1:50.2 minuto sa 1,800 meter race, nakopo ng winning horse owner ang P2-M premyo.

Nakopo ng Speed Runner ang P1-M habang P500,000 at P250,000 ang third at fourth placers na Readytoriskitall at Sherbet Fountain, ayon sa pagkakasunod.

May karagdagang premyo na P500,000 ang may-ari ng nanalong kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).  

Samantala, bukod sa Buzz Rocket, dehado rin ang Speed Runner, Sherbet Fountain at Tough Customer kaya nagkaroon ng carry over sa Pentafecta at Super Six.

HORSE

RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with