^

PM Sports

Latvia nilatigo ng Gilas

Chris Co - Pang-masa
Latvia nilatigo ng Gilas
Ginamit ni Gilas Pilipinas center Kai Sotto ang kanyang tangkad laban sa isang Latvian defender.
fiba.com

MANILA, Philippines — Nagpasiklab ang Gilas Pilipinas nang gulanta­ngin nito ang world No. 6 Latvia sa pamamagitan ng 89-80 desisyon para makuha ang unang panalo nito sa FIBA Olympic Quali­fying Tournament sa Riga, Latvia kahapon.

Umangat agad sa 1-0 ang Pilipinas sa Group A habang nahulog sa 1-1 ang host Latvia.

Nanguna para sa Gilas Pilipinas si naturalized player Justin Brownlee na humataw ng 26 puntos kasama ang siyam na rebounds at siyam na assists.

Nagparamdam din ng lakas si Kai Sotto na bu­manat naman ng 18 markers at walong boards habang kumana si Dwight Ramos ng 12 points, pitong rebounds at apat na assists.

Balanse ang atake ng Gilas Pilipinas na kumuha rin ng 12 puntos, limang board at tatlong steals mula kay seven-time PBA MVP June Mar Fajardo at 10 points at apat na rebounds galing kay Chris Newsome.

Hindi makapaniwala si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa panibagong kasaysayang ginawa ng kanyang bataan.

“I’m totally shocked sitting here in front of you. Anytime you can get into the international arena and have success, that’s a huge feather in the cap,” ani Cone.

Madaling-araw na ang bakbakan ng Gilas Pilipinas at Latvia. Subalit hindi ito ininda ng Pinoy fans na tumutok sa laban.

Sulit ang puyat ng buong sambayanan dahil binasag ng Gilas Pilipinas ang mahigit anim na dekadang pagkauhaw ng Pilipinas sa panalo laban sa isang European team.

Huling nanalo ang Pilipinas kontra sa European squad noong 1960 nang masungkit nito ang dikdikang 84-82 panalo kontra sa Spain sa Olympic Games na ginanap sa Rome, Italy.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with