^

Metro

NCRPO ‘full alert’ sa Bonifacio Day

Ludy Bermudo, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

8,000 pulis ikakalat sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Handa na ang pamu­nuan ng National Capital region Police Office (NCRPO) na magpapakalat ng 8,000 pulis sa Lunes, Nobyembre 30 para sa mga aktibidad sa Metro Manila sa ika-163 Bonifacio Day at mga posibleng protesta na may kaugnayan sa pagsisimula ng mga pagdinig sa crimes against humanity case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo, sa isang panayam sa DZMM nitong Sabado, na isasailalim din ang NCRPO sa full alert status simula alas-12:01 ng madaling araw sa Nob. 30.

Kabilang sa 8,000 ang augmentation forces mula sa Philippine National Police headquarters, Police Regional Office 3, at Police Regional Office 4A.

Ikakalat ang mga ito sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, Bonifacio Monument Circle sa Caloocan, Pinaglabanan Shrine sa San Juan, at iba pang lugar na ipinangalan sa revolutionary leader, mga pangunahing kalsada at kalapit na lugar upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maalalayan ang trapiko, ngayong long weekend.

Tiniyak ni Asilo na ipatutupad ang standard police operational procedures, igagalang ang human rights at paiiralin ang maximum tolerance sa panahon ng mga demonstrasyon.

Umapela rin siya sa organizers na kung balak magmartsa patungo sa itinalagang protest areas ay maki­pag-ugnayan sa pulisya, sumunod sa batas, at makipag-ugnayan sa mga ground comman­ders upang maiwasan ang kaguluhan.

Sinabi ng NCRPO na isinama nito sa security preparations ang mga posibleng demonstrasyon na may kaugnayan sa ICC proceedings, bagama’t nitong Sabado ay wala pa silang­ impormasyon na namomonitor ukol dito.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with