^

PM Sports

Converge puro na sa Semis

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Converge puro na sa Semis
Ang two-handed slam dunk ni Converge center Justine Baltazar matapos makawala sa depensa ng Rain or Shine.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nagpumiglas ang Converge sa second half upang itakbo ang 105-89 panalo kontra sa Rain or Shine sa krusyal na Game 3 at agawin ang 2-1 bentahe sa PBA Season 50 Governors’ Cup quarterfinals kahapon sa City of Dasmarinañas Arena sa Cavite.

Nagliyab sa 53 puntos ang FiberXers sa hu­ling 2 quarters kasabay ng paghigpit ng depensa sa Elasto Painters para mamuro sa semifinals kontra sa No. 1 seed na NLEX na winalis ang Magnolia sa kabilang quarterfinal bracket.

Ito na ang ikalawang sunod na tagumpay ng Converge kontra sa ROS matapos ang 130-125 pa­nalo sa Game 2 para sa matamis nilang higanti nang malustay ang 21-puntos na kalamangan sa 124-120 kabiguan sa Game 1.

Kumolekta ng 19 puntos at 13 rebounds na double-double si Juan Gomez De Liaño sahog pa ang 6 na assists at 1 steal para trangkuhan ang opensa ng mga bataan ni coach Dennis “Delta” Pineda.

Umakbay sa kanya sina Cameron Clark at Justine Baltazar na may 18 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang may tig-13 puntos sina Jonnel Policarpio at Calvin Abueva.

“In-slow break namin ‘yung third quarter (tsaka second half). Ayaw na­ming sumabay sa bilis nila. We needed to control ‘yung offense and play defense,” ani coach Pineda.

At ito nga ang ginawa ng FiberXers na matapos makipag-ubusan ng bala sa Elasto Painters sa se­cond half ay sumandal sa depensa sa second half.

Matapos pabayaan sa 52 puntos ang ROS sa 1st half, 36 nalang ang pinamigay ng Converge sa sumunod na quarters kabilang na ang 14 sa pinakamahalagang 4th quarter.

Dikdikan pa ang 2 koponan sa simula ng 4th quarter, 75-79 pabor sa Converge, bago magpakawala ang FiberXers ng 13-2 ratsada upang makapagtayo ng 15 puntos na bentahe tungo sa tagumpay.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with