^

PM Sports

Tenorio vs Alapag

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Halloween natapos ang Magnolia, ang No.1 sa Group B na may 7-3 record at six-game winning streak. Sabi ni coach LA Tenorio: “Nilibing talaga kami.”

Hindi lang 3-0 sweep ang nangyari. Pinalasap ang Hotshots ng terrible blows – 92-70 sa Game 1, 91-73 sa Game 2 at 98-87 sa Game 3.

Sabi ng marami: Nagulantang ang Hotshots dahil sa biglang pagbabalik ni TNT champion import Rondae Hollis Jefferson.

Totoo naman.

Pero nandyan rin ang katotohanan. Nasa gitna ang Magnolia ng dalawang panahon.

Ang lumang Magnolia: Mark Barroca, Ian Sangalang, Paul Lee, Rome dela Rosa. At mga pasibol na sina Jerom Lastimosa, Zav Lucero, Javi Gomez de Liaño, Gab Gomez at Chris Koon.

Obvious na hindi pa buo ang bagong Magnolia: Mga batang may takbo, depensa at tira, pero hindi pa kabisado ang pro ropes.

Sabi nga ni Pareng Kandong, baka kahit sino man ang ibang nakatapat ng Magnolia sa quarters – NLEX, San Miguel Beer at Converge – baka hindi rin makalusot.

May kantiyaw din para kay LA Tenorio. Hinog sa pilit, bubot pa, hindi pa uubra.

Si Tenorio naman ang unang magsasabing wala siyang pruweba. Pero di naman siguro pwedeng basta lang i-reject siya na hindi uubra sa coaching.

Kapag sabay-sabay silang nahinog ng kanyang team, pasasaan ba at eventually lalaban din iyan for PBA glory.

Ang masakit lang, naikukumpara siya sa kanyang contemporary na si Jimmy Alapag.

Ratsada agad si Jimmy; salengkwang si LA.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with