Dizon balik-DOTr; Banoy sa DPWH
MANILA, Philippines — Magbabalik sa Department of Transportation (DOTr) si Vince Dizon mula sa pagiging Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary habang si DOTr Sec. Giovanni “Banoy” Lopez ang uupo bilang Secretary ng DPWH. Si Dizon bago naging DPWH Acting Secretary ay isa munang Kalihim ng DOTr.
Ang palitan ng posisyon ay bunsod ng nilalayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na madaliin ang reporma at paghahatid ng mga pagbabago sa mga Filipino na makikita sa kanilang buhay.
Si Lopez, ay inatasan na palakasin ang mga pananggalang laban sa katiwalian at ipatupad ang mga reporma sa pamamagitan ng pagbuo ng mga patakaran, proseso, at sistemang patuloy na magsisilbi sa mga Pilipino kahit matapos ang kasalukuyang administrasyon sa loob ng maraming dekada.
Habang si Dizon ay magpapatuloy sa kanyang tungkulin sa DOTr para linisin ang ahensiya sa gitna ng mga isyu ng katiwaliang may kaugnayan sa mga iregular na proyekto sa flood control.
- Latest















