^

PM Sports

Kings Cup kikilatisin sa PCSO Anniversary race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang pumarada sa karerahan ang Kings Cup para lahukan ang “2026 PCSO Anniversary Race” na ilalarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas sa Oktubre 25, (Linggo).

Gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, makakalaban ng Kings Cup ang anim na dekalidad na kabayo, kabilang dito ang Jungkook na naghayag ng pagsali.

Ang ibang nagsabi ng paglahok ay ang Easy Doest It, Istulen Ola, King James, Midnight Bell at Parade King, magtatagisan sila ng bilis sa distansyang 1,800 meter race.

Posibleng magpakitang gilas ang Midnight Bell, Istulen Ola at King James na sasakyan ng reigning at former Philippine Sporstwriters Association (PSA) - Jockey of the year awardees na sina Jonathan Basco Hernandez, John Alvin Guce at Patty Ramos Dilema, ayon sa pagkakasunod.

Nakalaan ang guaranteed prize na P1.5-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, inisponsoran ito ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa pangalawa ang P300,000, ibubulsa ng tersero ang P150,000.

PCSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with