Win No. 6 asam ng Junior Altas

MANILA, Philippines — Target ng University of Perpetual Help System DALTA ang ikaanim na sunod na ratsada sa pagharap sa Lyceum of the Philippines University-General Trias sa NCAA Season 102 juniors basketball tournament sa FilOil Arena sa San Juan City.
Nakatakda ang duwelo ngayong alas-10 ng umaga.
Paboritong manalo ang Junior Altas ni coach Joph Cleopas laban sa Junior Pirates na hangad makasampa sa win column.
Kasalukuyang may 5-1 kartada ang Perpetual Help sa Group B kasosyo sa liderato ang Letran at Emilio Aguinaldo College.
Ang Squires ang unang tumalo sa Junior Altas bago humataw ng limang dikit na panalo ang tropa ni Cleopas.
Nasa ilalim ng Group A ang Lyceum bitbit ang 0-6 baraha.
Kumamada si Louie Rosales ng game-high 21 points, habang may 13 markers si Arkin Cristobal sa paggupo ng Junior Altas laban sa San Beda Red Cubs noong nakaraang Huwebes.
“Sinusunod lang po namin 'yung mga sinasabi ng mga coaches namin, stay with the system and always 100 percent pagpasok sa loob ng court, even sa practice, ibinibigay namin ang best namin para sa magandang resulta po,” ani Rosales.
Muling makakatuwang ni Rosales sa Perpetual Help sina Cristobal, Lord Dulanas, Brian Orca Jr., Kurt Patalinghug at ace rookie Sizco Roquid.
- Latest























