^

PM Sports

PBA Governors’ Cup balik-aksyon bukas

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magbabalik ang mga aksyon ng Season 50 PBA Governors’ Cup bukas sa salpukan ng NLEX at guest team Macau at upakan ng TNT Tropang 5G at Terrafirma sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Huling naglaro ang liga noong Agosto 14 kung saan tinalo ng Meralco Bolts ang Ginebra Gin Kings, 97-88, at pinadapa ng Converge FiberXers ang Road Warriors, 112-110.

Nagkaroon ng mahabang break ang PBA para bigyang-daan ang pagsabak ng Gilas Pilipinas ni coach Tim Cone sa fourth window ng 2027 FIBA World Cup Qualifiers at sa katatapos lamang na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Sa pagbabalik ng PBA Governors’ Cup ay magpapatupad ang liga ng mga bagong patakaran base sa FIBA guidelines.

Sa bagong FIBA guideline ang unsportsmanlike fouls ay ikukunsiderang flagrant at disruptive.

Ang flagrant fouls (excessive contact) ay magbi­bigay ng dalawang free throws at ball possession para sa opposing team, habang ang player na natawagan ng dalawang flagrant fouls ay matik nang talsik sa laro.

Ang disruptive fouls kagaya ng paghawak sa isang player para matigil ang laro ay nangangahulugan ng dalawang free throws at ang dalawa o higit pang disruptive fouls ay ituturing na disqualification.

Magkasosyo sa liderato ng Group A ang NLEX at San Miguel sa pareho nilang 7-2 record habang magkakadikit ang mga koponan sa Group B sa pangunguna ng Rain or Shine na may 4-2 baraha.

 

PBA GOVERNORS’ CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with