^

Metro

Malabon LGU, umayuda vs transport strike

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghanda ang Malabon City government ng limang sasakyan para sa libreng sakay ng mga commuter na maaaring ma-stranded sa tatlong araw na nationwide transport strike mula Setyembre 28 hanggang 30.

Ayon sa Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO), kabilang dito ang isang APV, isang L300 van at tatlong sasakyan mula sa General Services Department. Nakaantabay din ang tow truck ng PSTMO at isang dropside vehicle para sa emergency response.

Ipo-position ang mga sasakyan sa mga lugar na posibleng magkaroon ng stranded na pasahero, kabilang ang Malabon City Hall, Hulong Duhat, Concepcion, Acacia-Palengke, Panghulo-Tatawid, Catmon-Francis, Potrero-Del Monte at C-4 Road/Letre.

Katuwang ng lungsod ang PNP, BFP, MMDA at mga barangay sa monito­ring, traffic management at emergency response, habang patuloy ang koordinasyon sa MMDA para sa mabilis na deployment ng mga sasakyan kung kinakailangan.

Samantala, sinabi ng PSTMO na nangako ang mga transport group sa Malabon na hindi sasali sa tigil-pasada. Hinikayat naman ang mga residente na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad sakaling magkaroon ng ­problema o emergency.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with