Caloy milyunaryo na naman

MANILA, Philippines — Tataba na naman ang bank account ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo dahil tatanggap ito ng P4 milyon matapos manalo ng dalawang gintong medalya sa 2026 Asian Games na ginaganap sa Nagoya, Japan.
Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o mas kilala sa tawag na National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, tatanggap ang mga gold medalist sa Asian Games ng P2 milyon.
May P1 milyon naman ang silver medalist at P400,000 naman sa bronze medalist para sa mga individual winners.
Magarbong tinapos ni Yulo ang kampanya nito matapos pagharian ang kanyang paboritong events na floor exercise at vault sa men’s artistic gymnastics ng quadrennial meet.
Ito rin ang parehong events na napanalunan ni Yulo noong 2024 Olympic Games sa Paris, France.
Kaya naman nakumpleto na ni Yulo ang magwagi ng gintog medalya sa Big 5 tournaments — sa Olympic Games, Asian Games, Southeast Asian Games, Asian Championships at World Championships.
- Latest






















