^

Metro

Loose firearms isuko - NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga nagmamay-ari o nagdadala ng loose firearms na isuko na lamang ang kanilang baril upang maiwasan ang anumang pag-aresto.

Ito naman ang pahayag ni NCRPO chief PBGen. Christopher Abrahano kasabay ng  kanilang kampanya sa pagpapaigting ng operasyon laban sa mga ilegal na armas sa Metro Manila.

Ayon kay Abrahano, inatasan niya ang mga police unit na palakasin ang intelligence gathering, police visibility, checkpoints at iba pang law enforcement operations laban sa mga taong may baril na walang kaukulang dokumento.

Aniya, paglabag sa batas ang pagkakaroon ng undocumented o ilegal na baril at maaari itong magdulot ng panganib sa publiko.

Sinabi ng NCRPO na magpapatuloy ang koordinasyon nito sa mga lokal na pamahalaan, barangay at iba pang law enforcement agencies upang matukoy at masawata ang pagkalat ng loose firearms.

 

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with