Modernong ospital para sa Capizeños makakamtan na!
MAGANDANG balita para sa mga Capizeños! Ang matagal nang natenggang budget na P100 milyong pondo para sa mga equipment ng Capiz Medical Center (dating Roxas Memorial Provincial Hospital) na naiwan ni dating Department of Health Secretary Ted Herbosa para sa naturang ospital ay nailabas na. Ito’y dahil sa walang humpay na pagpupursige ni Capiz Governor Fredenil ‘Oto’ Castro. Syempre, naglulundagan sa tuwa itong mga kababayan kong mga Ilonggo dahil dininig ng Dios ang panalangin ni Gob. Castro sa pamamagitan ng kanyang ‘sugo’ na si President Ferdinand Marcos Jr. nga. Hehehe!
Sa totoo lang may ilang buwan pa lang naman na bumisita itong si PBBM sa lalawigan ng Capiz nang personal itong mamahagi ng certification at promotion evaluation sa mga nagpapakahirap nating mga teacher sa mga pampublikong paaralan. Hehehe! Doon kasi inihayag ni PBBM na susuportahan niya ang lahat ng mga naka-tenggang proyekto ni Gob. Castro sa pamamagitan nang pagpapabilis ng pag-release nito ng pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM). Kabilang ang pagpondo sa mga water spill o sa Flood Control Project na nabinbin na ng ilang dekada.
At syempre naging topic din ang pag-rehab ng RMPH sa Roxas City. Kayat sa pagpupursige ni Castro, na-expand ito at na-modernized na ang lumang gusali diyan sa may Barangay Lamot at ginawa itong modern hospital na Capiz Medical Center. Hindi nasayang ang boto ng mga Capiznon kay Gob. Oto Castro, ‘di ba mga suki! Kasi nga, sa ngayon halos kaliwat kanan na ang progreso ng Capiz, kabilang na riyan itong bagong-bagong kapilyo diyan sa may Pueblo De Panay na kamakailan lamang binuksan sa mga Ilonggo. Kaya naman, kaliwat-kanan narin ang mga pumapasok na investor na nagpapayabong sa ekonomiya ng Capiz.
Dumarami na rin ang turista na dumarayo sa lalawigan dahil sa pagiging Sea Food Capital of the Philippines nito. Dito kasi ninyo matitikman ang napakasarap at sariwang alimango, dewal, sugpo, talaba, bangus at iba’t ibang uri ng mga halamang dagat dahil sa napakalinis na karagatan at mga palaisdaan. At dahil na rin sa nalalapit na venue ng Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA), todo-tudo ang paghahanda rito sa pagtutulungan nina Gob. Castro at City Host na si Roxas City Mayor Ronnie Dadivas at syempre ng Police Regional Office 6 Director P/Gen. Randulf Tuaño, mga Provicial Board Members, Local Government Units (LGUs) at mga kapulisan upang masigurong ligtas at maging maayos ang pagganap ng mga palarong nagmula pa isa iba’t ibang panig ng bansa. Hehehe!
Subalit ang pinaka tinitingala ngayon sa mga pangunahing proyekto ni Castro ay itong pa-gmodernized ng Capiz Medical Center diyan sa may Barangay Lanot. Hehehe! Kasi nga, matutugunan na nito ang kakulangan sa mga ward ng mga ospital at modernong kagamitan upang malunasan ang mga karamdaman ng mga Ilonggo.
Ang masakit, todo-todo rin na pinaghahandaan nitong sina Gob. Castro ang mga opisyales dahil kasalukuyan silang iniimbestigahan ng Ombudsman. Patungkol kaya sa ano iyon? Abangan!
- Latest




















