^

PSN Opinyon

Grade ni Sara ibinida; binara ni Chiz

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Sa gitna ng ika-5 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahapon, naging tampulan ng usapan ang abogado niyang si Mark Vinluan matapos ipagmalaki ang 80% Bar Exam grade ng Bise Presidente.

“Are you aware that the Vice President is a lawyer? That she has, of course, a law degree and passed the Bar Exams? With a first attempt and with a rating of 80 percent, are you aware of this?” tanong ni Vinluan kay National Bureau of Investigation (NBI) official Jeremy Lotoc, testigo ng House prosecution panel, na isa ring abogado. “She has a higher grade than most of the lawyers here,” dagdag pa ng defense counsel.

Pero agad siyang pinutol ni Presiding Officer Sen. Chiz Escudero dahil umano’y “disparaging” at walang kaugnayan sa kaso. 

Sa isang impeachment trial na nakasentro sa mabibigat na paratang na grave threats at inciting to sedition, naka­ka­gulat na ang depensa ay bumaling sa grado sa Bar exam. Para bang sinasabi na “magaling siyang abogado, kaya hindi siya gagawa ng kalokohan.” Ngunit sa mata ng publiko, mistula itong palusot na walang bigat.

Ang mabilis na pagtutol ni Escudero ay nagsilbing paalala na hindi sukatan ng integridad ang grado. Ang impeachment ay usapin ng pananagutan, hindi ng academic bragging rights. Sa halip na makatulong, nagmukhang pagmamayabang na walang saysay ang ginawa ni Vinluan.

Imbes na mapalakas ang depensa, lalong lumutang ang impresyon ng elitismo na ginagamit ang grado bilang pa­nangga sa kritisismo. Para sa mga miron, mas mahalaga ang pananagutan sa salita at gawa kaysa sa numero sa transcript.

Ang eksenang ito ay sumasalamin sa kultura ng “credentials over accountability” sa politika. Bagaman mahalaga ang edukasyon at propesyonal na tagumpay, ngunit sa harap ng Senado, ang tanong ay hindi kung gaano kataas ang grado, kundi kung tapat at responsable ba ang pinuno sa kanyang tungkulin.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with