^

PM Sports

Dyip sinagasaan Giant Risers

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Dyip sinagasaan Giant Risers
Pinasok ni Terrafirma shooting guard Juami Tiongson ang depensa ng Titan Ultra sa pagbubukas ng PBA Governors’ Cup.
PBA Image

MANILA, Philippines — Rumatsada ang Terra­firma sa fourth quarter upang ungusan ang Titan Ul­tra, 113-100, para sa ma­garbong panimula ng kampanya nito sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Pinakain ng Dyip ang Giant Risers ng alikabok sa fourth quarter, 34-24, upang makawala mula sa dikdikang duwelo tungo sa 1-0 kartada.

Humakot ng 25 points at 16 rebounds si import Justin Strings sahog pa ang anim na assists upang banderahan ang arangkada ng mga bataan ni coach Ronald Tubid.

Subalit pinakanag­ning­ning ang No. 1 rookie pick na si Geo Chiu na tumabo ng career-high na 19 points at 23 rebounds.

“Siyempre po ‘yung team po namin, nawalan po kami ng mga players. Iyong mentality lang is to step up lang talaga. Any given day, ‘yung teammates ko kaya naman mag-step up. Araw ko lang siguro ngayon pero sigurado sa mga susunod na araw, teammates ko naman po,” ani Chiu.

“Back to zero lang ulit. Naggo-grow pa rin ‘yung team, still improving. It’s too early so kailangan lang every practice, we need to compete para madala namin sa games,” dagdag naman ni Tubid.

Nakatulong kina Chiu at Strings sina JM Bravo, Didat Hanapi, Juami Tiongson at Maverick Ahan­misi na nagdagdag ng 15, 14, 13 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.

Walang koponan ang na­kaalagwa sa unang tatlong quarters ng bakbakan at abante lang ng tatlong puntos ang Dyip papasok sa huling kabanata, 79-76, bago mitsahan nina Chiu at Strings ang panapos na bomba.

Lubusang ininda ng Giant Risers ang pansamantalang pagkawala ng import na si James Milton na hindi pa nakalaro dahil wala pang FIBA clearance.

Sa kawalan niya ay ta­nging sina Aris Dionisio, Jo­shua Munzon at Pao Javillonar na naglista ng 21, 15 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, isasalang ng Barangay Ginebra si Riley Grigsby kapalit ni injured im­port Justin Brownlee.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with